Mga Replies Na Mahirap Replyan

4:34 PM


For sure naranasan niyo nang ma-pissed off dahil di nakikinig yung taong kinakausap mo, or worse hindi man lang siya interesadong makinig sa iyo! Gusto mo na lang siyang batukan o kaya tirisin sa singit para lang makinig sa sasabihin mo. Lalo na kung importante. Like nung nahulog si James Reid sa Cosmo Fashion Show. Or yung eksenang inamin na ni Rose kay Patrick na siya nga ang totoong Rose at buhay siya. Tapos naghihintay ka ng reply niya. Tapos minsan tatango lang siya or sasabihing.. “Ahh….

YUNG MGA GANON?! Nakakainis diba???

Pero paano kaya kung sa text, like ang HABA-HABA na ng text mo. Abot ng 5 pages sa Nokia 3310. Tapos ang reply “FINE”?!!! Tapos ngayon mag-iisip ka kung anong irereply. Hangang sa malito ka na lang at mainis. Gusto mo na lang mag-teleport sa kung san siya ngayon at itapon ang iPhone mo sa mukha niya! (Wow from Nokia 3310, naging iPhone. Lupet!)

Pasensya na kung parang gusto ko talagang manakit ng tao ngayon. Hahaha! Anyway, nilista ko dito ang mga kadalasang replies, mapa-text or chat na mahirap replyan.

10. Ganon ba?
9. Toinks
8. Hmmm….
7. Yup
6. Ahh…
5. LOL
4. Hehehe
3. Sige
2. OK
1. : ) (smiley)



Nainis ka rin ba?
Pwede mo din tong gamitin para mainis din sila.
Ganti-gantihan lang! :)




---------------------------------------------
Photo credits: shitmygayfriendsays.com

You Might Also Like

0 comments

FOLLOW ME ON INSTAGRAM